Monday, June 17, 2024

Davao: Babae na suspek sa ilegal droga, arestado sa Davao city

- Advertisement -

Davao City – Arestado ang isang babae sa nangyaring buy-bust operation ng mga tauhan ng kapulisan sa ilalim ng pangangasiwa ni PMaj. Robel B. Saavedra, Acting Station Commander ng Mandug Police Station alas 10:12 kagabi, Nobyembre 30, 2021 partikular sa Brgy. Tibungco. Naaresto ang isang alyas “WANG”, babae, 34 taong gulang, isang katutubo mula sa Agusan del Sur at residente ng Kabayan, Brgy. Tibungco, Davao City.

Visit RPN DXKT Davao

Nasa kabuuang tatlong (3) piraso ng plastic sachet ang nakumpiska ng mga awtoridad na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na humigit kulang 0.361 grams na may street market value na humigit kumulang three thousand pesos (₱ 3 000.00), isang (1) Huawei cellular phone at isang (1) piraso ng five hundred peso bill (₱ 500.00) bilang buy-bust money.

Ang pagmamarka sa mga piraso ng ebidensya na isinagawa sa lugar ng pag-aresto ay nilahukan ng Elected Barangay Official, Media at kinatawan ng Department of Justice (DOJ) na pumirma sa certificate of inventory of evidence sa presensya ng nadakip na suspek.

Inihanda na ang kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 laban sa naarestong suspek.

(Source: PS 13 Mandug Police Station)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -