ZAMBOANGA: NAGPAPASALAMAT ANG MGA PWD FEDERATION SA LUNGSOD DAHIL SA PATULOY NA PAMAMAHAGI NG CASH INCENTIVES

0
5

Ang Zamboanga City PWD Federation (ZCPWDFeD), mga Field PWD Federation, at mga Barangay PWD Association ay nagpahayag ng malalim na pasasalamat sa pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Mayor Khymer Olaso, dahil sa matagumpay na pamamahagi ng cash incentives sa mga kwalipikadong Persons With Disabilities (PWDs) sa lungsod.

Naging posible ang pagbibigay ng mga insentibo sa pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap ng Persons with Disabilities Affairs Unit (PDAU) sa ilalim ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Tresurer’s Office (CTO), at lahat ng Barangay PWD Coordinator.

Ang pamamahagi ay nakabatay sa City Ordinance No. 664, na nag-aamyenda sa Sections 2 at 4 ng City Ordinance No.505 ang batas na nagbibigay ng cash benefits sa mga PWD sa Zamboanga City.Isinagawa ang pamamahagi sa loob ng anim na araw sa iba’t ibang bahagi ng lungsod upang matiyak na madaling matatanggap ng mga kwalipikadong PWD ang kanilang mga benepisyo.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang mga lider ng federation sa mga opisyal ng Barangay Labuan, Sinubong, Ayala, Cawit, Sta. Maria, Pasonanca, Boalan,Lunzuran, Mampang, Arena Blanco, Mercedes, Manicahan, Curuan, at Tictapul, pati na rin sa pamunuan ng KCC Mall de Zamboanga, sa bukas-palad na pagbibigay ng lugar para sa pamamahagi. (Algie Rojas)

Source: Persons with Disabilities Affairs Unit (PDAU).

Leave a Reply