Sunday, May 5, 2024

Publiko hindi dapat mangamba sa pagbaba sa Metro Manila sa GCQ —Galvez

- Advertisement -

Pinawi ni COVID-19 Response Chief Implementor Carlito Galvez Jr. ang pangamba ng publiko sa pagsailalim ng pamahalaan sa Metro Manila sa general community quarantine (GCQ).

Ito ay matapos na maka-ilang ulit na mag trending sa social media ang ‘matira matibay’ kasunod ng desisyon na ilagay na lamang sa GCQ ang Metro Manila.

Ayon kay Galvez, hindi naman aniya tama na isipin ng publiko na matitira na lamang ang mga matitibay sa ilalim ng gcq dahil batay sa kaniyang obserbasyon ay naipatutupad naman ang mga kaukulang quarantne protocols.

Aniya nakikita naman nila na sumusunod ang mga business sectors at mas pinaigiting din ng mga lokal na pamahalaan ang mga health protocols.

Dahil dito, tiniyak ni Galvez na wala naman dapat ipangamba ang publiko dahil nagsasanib puwersa naman ang mga ahensiya ng pamahalaan upang malampasan ang COVID-19 pandemic.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img