Contact tracing ability ng pamahalaan mas tumaas —DILG

0
35

Mas tumataas pa ang kapasidad ng pamahalaan na magsagawa ng contact tracing.

Ito ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kung saan nasa 76% na aniya ang contact tracing ability ng pamahalaan sa Metro Manila, habang nasa kabuuang 96% naman ang contact tracing ability ng pamahalaan para sa buong bansa.

Aniya, malaking tulong ito lalo na’t napaka halaga ng contact tracing para ma-contain ang mga posibleng infected na ng COVID-19 at upang mapigilan din ang pagkalat pa ng sakit.

Una rito, nabatid na nasa 40,000 ang kabuuang bilang ng contact tracers sa bansa at binabalak pa ng pamahalaan na magdagdag ng nasa 50,000 hanggang 100,000 contact tracers.