29.7 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Limitadong PUVs sa unang araw ng GCQ sa simula lang —DILG, DOTr

- Advertisement -

Humingi ng pang-unawa ang Department of Interior and Local Government (DILG) o Department of Transporation (DOTr) sa publiko dahil sa limitadong mga pampublikong transportasyon sa unang araw ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Sa magkahiwalay na pahayag, parehong iginiit nina DILG Secretary Eduardo Año at Transporatation Secretary Arthur Tugade na hindi naman pang-matagalan ang nabanggit na sitwasyon.

Ayon kay Año, nasa phasing period pa lamang kasi ang pamahalaan mula sa enhanced community quarantine (ECQ) kung saan suspendido ang mga pampublikong transportasyon.

Aniya, kailangan lamang nila ng kaunting pang-unawa at pasensiya mula sa mga Filipino lalo na’t kumikilos naman ang pamahalaan upang mapabuti pa ang sitwasyon.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Tugade na unti-unti nilang ibinabalik ang operasyon ng mga pampublikong transportasyon sa pamamagitan ng aniyay ‘partial, limited at gradual’ na hakbang.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -