35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Pagadian: Truck Sumemplang, 3 Patay- 5 Sugatan

- Advertisement -

Labangan, Zamboanga del Sur – Tatlo ka tao ang Patay habang Lima ang sugatan sa nangyaring insidente alas 7:55 ng gabi, Nobyembre 15,2021 sa National highway, Purok Melina, Upper Pulacan, Labangan, Zambonga del Sur (ZDS).

Kinilala ang mga biktima na sila JOBIRTH ROÑO CABROBIAS, 38 anyos, may asawa, residente sa Brgy. Navalan, Tukuran, ZDS; ESMERALDA ROÑO CABROBIAS, 57 anyos, may asawa, residente sa Brgy. Lindang, Diplahan, Zamboanga Sibugay; at JOEMAR ROÑO CABROBIAS, 12 anyos, residente sa Brgy. Navalan, Tukuran, ZDS.

Visit RPN DXKP Pagadian

Samantala, ang mga sugatan ang kinilala na sila ATENNA CABROBIAS, 8 anyos;JEROME MANUMBAGA ,16 anyos; KARLEDGEI CORTES DANDANON, 16 anyos;  JUNEL CABALTERA MANGUBAT, 22 anyos; APRIL JOHN DACAY MANGUBAT, 16 anyos nakatira sa Brgy. Navalan, Tukuran, Zamboanga del Sur.

Base sa  imbestigasyon, napag-alaman na ang 6 wheeler truck (IZUSU FORWARD), color Green, may kargamyento na 480 halfsack na bigas, na minamaniho ni Ernesto Tudtud Ramirez, 59 anyos residente sa Navalan, ZDS. May 10 ka tao na nagsisilbing pasahero nito galing sa Navalan, nakisakay sa byahe patungo sa  probinsya ng Zamboanga Sibugay nang bigla na lamang itong nawalan ng kontrol pagdating pababang parte ng kalasada,  dahilan upang ito ay sumemplang kung saan naka bangga ito ng iba pang motorista bago tuluyang natumba sa gilid ng kalsada.

Mabilis naman na rumispundebang kapulisan sa Labangan MPS at isinagawa ang agarang rescue operations kung saan, dali daling dinala ang mga sugatan sa magkaibang hospital sa Pagadian para sa agarang medikasyon. Tatlo sa mga ito ang edinaklarang dead on arrival.

Samantala ang Driver ay nasa kustodiya na sa Labangan MPS para sa tamang disposasyon.

(Photos courtesy of Mc Coy)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -