Davao City – Inalis na ang negative Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) Test Result requirement sa lahat ng papasok sa Davao City via land, Sea Port, at Davao City International Airport para sa mga domestic at international passengers.
Sa pamamagitan ng inilabas ni Davao City Mayor Sara Z. Duterte-Carpio na Executive Order No. 66 Series of 2021, hindi na hahanapan ang mga indibidwal ng negatibong RT-PCR Test mula alas 12:01 ng umaga, Nobyembre 16, 2021 hanggang Enero 15, 2022.
Kalakip sa nasabing EO ang pag-utos sa AFP at PNP na nasa boundary checkpoints maliban na lamang sa pagpapatuman ng security check laban sa anti-criminality, anti-illegal, at anti-terrorism.
(Source: City Government of Davao)