Sunday, May 5, 2024

P2.4B supplemental budget sa nCoV isinumite na ni Rep. Salceda

- Advertisement -

Isinumite na ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda ang panukala para sa pagpapalabas ng P2.4B na supplemental budget para solusyunan ang pagkalat ng novel coronavirus acute respiratory disease (nCoV-ARD) sa bansa.

Sa ilalim ng House bill 6177, layon nito ang pagpapalabas ng higit P2B para tugunan ang mga pangangailangan ng pamahalaan sa panganib ng novel coronavirus/acute respiratory disease (nCoV-ARD).

Kabilang dito ang pagbili ng surgical masks, personal protective equipment para sa mga health care workers, at gastusin para sa repatriation ng mga pilipinong ililikas mula China.

Sinabi ni Salceda na kailangang ilabas ng Dept. of Budget and Management (DBM) ang naturang pondo, batay na rin sa budgeting, accounting at auditing ng Dept. of Health (DOH).

Batay sa pinaka-huling ulat ng DOH sumampa na sa mahigit 100 na ang kabuuang bilang ng Persons Under Investigation (PUI) sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img