30.2 C
Manila
Friday, April 26, 2024

NBI inatasang imbestigahan ang pagkalat ng ‘fake news’ hinggil sa nCoV

- Advertisement -

Inatasan na ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang patuloy na pagkalat ng fake news hinggil sa novel coronavirus.

Ayon kay Guevarra, dapat na matukoy ng NBI ang mga responsable sa pagpapakalat ng maling impormasyon hinggil sa novel coronavirus acute respiratory disease (nCoV-ARD) para masampahan ang mga ito ng kaukulang kaso.

Gayunman, sinabi naman ni Justice Undersecretary Markk Perete na hindi ito pagpigil sa kalayaan na magpahayag, dahil nais lamang ng DOJ na mapigilan ang pagpapakalat ng maling impormasyon.

Kasabay nito, inatasan din ng DOJ ang NBI na makipag ugnayan din sa Dept. of Health (DOH) para mapabilis pa ang contact tracing o ang pagtukoy sa mga nasalamuha ng 2 Chinese nationals na nagpositibo sa nCoV-ARD.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -