Pagiging malinis sa katawan mabisa para makaiwas sa nCoV—WHO

0
17

Mabisa pa rin ang pagiging malinis sa katawan at palagiang paghuhugas ng kamay para makaiwas sa panganib ng novel coronavirus acute respiratory disease (nCoV-ARD).

Ito ang paalala ng World Health Organization (WHO) sa publiko kaugnay ng mga ulat na nagkakaubusan na ng suplay ng face masks.

Ayon kay WHO Rep. Rabindra Abeyasinghe, posible kasi magbigay ng ‘false sense of confidence’ ang pag gamit ng face masks lalo na sa mga asymptomatic o yung mga taong hindi nagpapakita ng sintomas ng sakit.

Sinabi ni Abeyasinghe, maari kasing isipin ng publiko na basta naka-face mask ay maka-iiwas na sa nCoV-ARD gayong ang pinaka mabisang panlaban sa virus ay ang malakas na resistensiya, at pagkakaroon ng good hygiene.

Dagdag pa nito, sa gitna kasi ng panganib ng virus, ay mas kinakailangan ng mga health workers ang face mask lalo na’t nagkaka-ubusan na ng suplay ng mga ito.