Sunday, May 5, 2024

Medialdea tinutulan ang pahayag ni Duque na nararanasan na sa bansa ang 2nd wave ng COVID-19

- Advertisement -

Tinutulan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang naging pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III na nararanasan na ng Pilipinas ang ikalawang bugso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Iginiit ni Medialdea, na hindi ito pinroklama ni Pangulong Rodrido Duterte.

Kinuwestyon din nito si Duque kung kailan lumabas ang second wave ng COVID-19 gayung sa pagkakaalam nya ay hindi pa nararanasan ng bansa ang ikalawang bugso.

Samantala, magugunitang sinabi ni Duque sa senado na nararanasan na ng Pilipinas ang ikalawang bugso ng COVID-19 simula pa noong Marso matapos na magkaroon ng local transmission sa bansa at tumaas ang kaso nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img