29.6 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Isinampang reklamo kay Sinas tuloy pa rin sa kabilang ng suporta ni Duterte — PNP-IAS

- Advertisement -

Tuloy parin ang reklamong kriminal na isinampa kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Maj. Gen. Debold Sinas, sa kabila ng pagtatanggol sakanya ni Pangulong Duterte.

Ito ang iginiit ni Internal Affairs Service (IAS) Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, na niniwalang walang implikasyon sa reklamong kriminal at administratibo na isinampa laban sa opsiyal ang naging komento ng Pangulo.

Aniya, hindi naman ipinag-utos ng Pangulo ang pagsampa ng kaso kay Sinas.

Dagdag pa ni Triambulo na gumugulong pa ang kaso dahil may mga presumption of innocence pang nangyayari.

Iginiit pa ni Triambulo na maaaring hindi pa nakikita ng Pangulo ang investigation report na pinadala ng IAS sa opisina ni Executive Secretary Salvador Medialdea nakaraang Lunes.

Magugunitang ipinagtanggol ni Pangulong Duterte si Sinas sa kontrobersyal na mañianita party nito noong Mayo 8 at sinabing mabuti at tapat na pulis si Sinas at hindi nito kasalanan kung sinorpresa ito ng kanyang kasamahan.

Sa ngayon iginiit ng Pangulo na mananatiling NCPRO Chief si Gen. Sinas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -