Monday, May 6, 2024

Luzon grid muling isasailalim sa yellow alert

- Advertisement -

Muling isasailalim sa yellow alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid bunsod ng manipis na reserba ng kuryente.

Ayon sa abiso ng MERALCO, magsisimula ang yellow alert mula 10:00 ng umaga ngayong araw ng Huwebes hanggang alas dose ng tanghali at ala una hanggang alas kwatro ng hapon.

Samantala, hindi naman inaasahang magkakaroon ng rotational power interruption kasunod ng pagsasailalim sa yellow alert, maliban na lamang kung may karagdagang planta na papalya.

Pinayuhan naman ng MERALCO ang mga korporasyon at estabilisyimento na kasapi ng interruptible load program na maging handa sa paggamit ng kanilang generator sets kung kakailanganin.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img