33.2 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Byahe ng LRT-1 ilang minuto sinuspinde ang operasyon dahil sa aberya

- Advertisement -

Sinuspinde ng ilang minuto ang operasyon ng LRT-1 dakong 9:00 ng umaga ngayong araw ng Huwebes, November 28.

Ito ay matapos magpatupad ng speed restriction sa LRT-1.

Nagtaas naman ng code red sa LRT-1 southbound pagsapit ng alas nuwebe a-trese dahil sa isang bagon na depektibo.

Agaran namang nagpatupad ng stop entry habang inaayos ang tren na nagkaproblema sa R. Papa Station Southbound.

Samantala, naibalik naman agad sa normal dakong alas nuwebe disi-otso ang biyahe ng mga tren.

Pinapayuhan naman ng LRT-1 ang mga pasahero na magbaon ng pasensya dahil sa haba ng pila sa istasyon bunsod ng ilang minutong aberya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -