Mga batikos sa kapalpakan sa SEA Games hindi ito ang tamang panahon — Panelo

0
12

Nananawagan ang Malakanyang ng ceasefire sa mga bumabatikos sa SEA Games.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi ito ang tamang panahon para batikusin ang mga kapalpakan sa Southest Asian Games (SEAG).

Aniya, dapat na suportahan ng publiko ang mga Pinoy na sasabak sa SEA Games upang ito ay manalo.

Umaapela rin ang palasyo sa mamamayan na bigyan ng mainit na pagtanggap ang mga dayuhang atleta na bibisita sa bansa.

Samantala, payo ni Panelo sa mga tagapag balita at publiko na maging ma-ingat sa pagkalat at paglabas ng mga balita.