Sunday, May 5, 2024

Lockdown ng East Ave. Medical Center itinanggi ng DOH

- Advertisement -

Tinawag na fake news ng Dept. of Health (DOH) ang kumakalat na ulat sa social media na nagpatupad na ng lockdown ang East Avenue Medical Center (EAMC).

Ayon sa DOH, walang katotohanan ang ulat na kumakalat sa social media na naka-lockdown na ang EAMC dahil may 2 Chinese na Persons Under Investigation (PUI), at ilang hospital staffs ang nakitaan ng sintomas ng novel coronavirus acute respiratory disease (nCoV-ARD).

Sa pahayag ng DOH, binigyang diin nito na patuloy na tumatanggap ng mga pasyente ang EAMC at walang dapat na ipangamba ang publiko.

Sa ngayon, muling pinaalalahanan ng DOH ang publiko na huwag basta-basta maniwala sa mga ulat na kumakalat sa social media, at hintayin ang abiso na ilalabas ng DOH sa publiko.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img