Isang doktor dinukot sa Jolo, Sulu

0
18

Isang doktor ang dinukot ng 4 na armadong mga lalaki sa Jolo, Sulu, kagabi Pebrero 4.

Ayon kay Western Mindanao (WESTMINCOM) Command Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana, dakong 7:00 kagabi ng dukutin ng hindi pa nakikilalang kalalakihan si Dr. Daniel Moreno.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, isinakay ng mga ito si Moreno sa isang maroon na Tamaraw fx na namataan patungo sa direksyon ng Indanan, Sulu.

Sa ngayon, tiniyak naman ni Sobejana na kasado na ang kanilang pursuit operations para agad na ma-rescue si Moreno sa kamay ng mga dumukot sa kanya.