Monday, May 6, 2024

Liham ng Maynilad at Manila Water kay Duterte lantarang babasahin

- Advertisement -

Lantarang babasahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sulat na ipinadala ng Maynilad at Manila Water.

Ito mismo ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kung saan sinabi nito na nakatanggap ang Pangulo ng liham mula sa mga nasabing water concessionaires.

Ayon kay Panelo, ang hakbang na ito ng Pangulo ay upang ipaalam sa publiko na walang itinatago ang pamahalaan at ginagawa nila ang lahat ng paraan upang ma-resolba ang isyu sa tagilid na kontrata ng mga ito sa pamahalaan.

Ani Panelo, nakasaad sa sulat na hanada ang Maynilad at Manila Water na sumunod sa panawagan ng Pangulong Duterte na muling bisitahin ang kontrata para mabago ang mga hindi patas na probisyon.

Sa nasabing sulat rin aniya tiniyak ng 2 kumpanya na hindi na nila sisingilin pa ang pamahalaan sa halos P11B napanalunan na arbitral award sa Singapore.

Sa ngayon, tiniyak naman ni Panelo na masusing pag-aaralan ng Pangulo ang mga development, legal at practical consequences bago gumawa ng desisyon sa kontrata ng 2 kumpanya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img