Presyo ng mga bilihin sa bansa magiging stable

0
15

Nanindigan ang Development Budget Coordination Committe (DBCC) na magiging stable ang presyo ng mga bilihin sa bansa.

Ito ay dahil sa tinatayang 2 hanggang 4% na average inflation rate para sa taong 2019.

Ayon sa DBCC ang magandang export growth ay inaasahan na makatulong sa mga umiiral na trade tension.

Matatandaang nito lamang Nobyembre ng maitala ang 1.3% na inflation rate mula sa naitalang 0.8% na inflation sa buwan ng Oktubre.