33 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Kabuuang pondo para sa taong 2021 aabot sa P4.6T

- Advertisement -

Aabot sa P4.6T ang kabuuang halaga ng pondo para sa taong 2021.

Ito mismo ang kinumpirma ng economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan kapwa itong inaprubahan ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) at ng economic team.

Ang panukalang pambansang pondo para sa taong 2021 ay katumbas ng 20.2% na Gross Domestic Product (GDP) at 13% mas mataas sa P4.1T na national budget para sa taong 2020.

Ayon sa DBCC, patuloy na susuportahan ng 2021 national budget ang mga programa para sa masugpo ang kahirapan.

Kabilang rin sa mga programa na patuloy na popondahan ng 2021 budget ay ang universal health care program, pantawid pamilyang pilipino program, rice tariffication law pati na rin ang climate change mitigation and adaptation measures.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -