Iriga: Kaso ng Covid-19 sa Bicol patuloy ang pagbaba; rehiyon walang naitalang fatalities

- Advertisement -

Patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID 19 sa Bicol.

Visit RPN DZKI Iriga

Sa pinakahuling ulat na ibinaba ng DOH Bicol, 3 karagdagang bagong kaso ng sakit ang naitala kahapon, kung saan dalawa ang naitala sa Albay, isa mula sa bayan ng Malilipot habang isa naman sa lungsod ng Legazpi.

Isang kaso rin ng sakit ang naitala sa lungsod ng Naga.

Wala namang naiulat na fatalities kahapon kung kayat nananatili sa 1,908 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa Bicol.

Samantala, nakapagtala naman ang ahensya ng anim na recoveries, kung saan tatlo nito ay mula sa Albay habang tatlo naman sa lalawigan ng Sorsogon.

Sa ngayon umabot na sa 41,570 ang total COVID-19 recoveries sa Bicol .

Patuloy pa rin ang paalala ng DOH sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa serbisyung salud bikolnon

(Source: Bicol News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -