Monday, May 6, 2024

Internet connectivity ng bansa aabot sa 60 percent sa taong 2020 — DICT

- Advertisement -

Aabot sa 60 percent ang internet connectivity ng Pilipinas pagsapit ng taong 2020.

Ito ang ipinagmalaki ni Department of Information and Communications Technology o DICT Sec. Gringo Honasan kung saan sinabi nito na inaasahan nilang pumalo ng 50 hanggang 60 porsyento ang internet connectivity ng Pilipinas.

Aniya, sa kasalukuyan kasi ay nasa 30 porsyento lamang.

Ayon kay Honasan, hindi ito normal ngunit hindi rin naman ito masyadong mababa.

Kaugnay nito, sinabi rin naman ng kalihim na kumpiyansa siya na sa pagpasok ng third telco na Dito Telecommunity sa bansa ay bibilis na ang internet connection.

Paliwanag nito, mayroon kasing 15.7 billion pesos na performance bond ang Dito Telco na tiyak na kukunin ng gobyerno sa oras na palpak ang serbisyo nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img