Ulat na “Mass transport crisis” pinabulaanan ng Malakanyang

0
9

Pinabulaanan ng Malacañang ang ulat na maituturing ng “mass transport crisis” ang nararanasang bigat ng daloy ng trapiko sa bansa.

Kaugnay ito ng pahayag ni Bayan Sec. Gen. Renato Reyes na isang ng pangmalawakang krisis sa transportasyon ang nangyaring sunog sa LRT 2, ang patuloy na aberya sa MRT 3 at ang mabagal na daloy ng trapiko sa EDSA.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi pa naman isang transportation crisis ang nararanasang problemang ito sa Pilipinas.

Aniya, may mga solusyon pang maaring ilatag ang pamahalaan upang maisa-ayos ang mabagal na daloy ng trapiko.