Monday, May 6, 2024

Iba’t ibang aktibidad isinagawa bilang paggunita sa Bonifacio Day

- Advertisement -

Nagsagawa ng iba’t ibang aktibidad ngayong araw sa Maynila at iba pang mga lugar kaugnay sa paggunita ng ika-isandaan at limampu’t limang taong anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio.

Ayon sa National Historical Commission of the PhilippinEs, naging tema ng pagdiriwang ang “Bonifacio 2018: Tapang, Sakripisyo, Pagbabago”.

Sentro naman ng selebrasyon ang pambansang monumento ni Bonifacio sa Caloocan City.

Samantala, naglatag din ng mga aktibidad sa iba pang lugar kabilang na sa Manila City Hall, Maragondon Cavite, Balintawak, Bonifacio Global City, Tutuban, at San Juan kung saan mayroon ding monumento si Gat Andres Bonifacio.

(Kimberlie Montano)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img