28.3 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Cong. Imelda Marcos pinayagang makapagpiyansa para sa kasong graft

- Advertisement -

Pinayagan ng Sandiganbayan 5th division na manatiling malaya si dating unang ginang at ngayo’y Congresswoman Imelda Marcos habang ini-aapela ang sentensya sa kasa pitong kaso ng graft.

Sa inilabas na statement ng Sandiganbayan, pinayagan si ginang Marcos na maglagak ng tatlong daang libong pisong (P300,000) piyansa o doble sa orihinal niyang piyansa na isandaan at limampung libong piso (P150,000)

Kinatigan ng Sandiganbayan ang motion for leave to avail of post-conviction remedies ni ginang Marcos dahil pinapayagan naman ito ng panuntunan ng Korte.

Ilan sa mga remedyong puwedeng gawin ni ginang Marcos ay maghain ng apela sa Sandiganbayan o i-akyat ang kaso sa Korte Suprema.

Una nang naghain ng request si Ginang Marcos sa Sandiganbayan na bigyan ng records ng kanyang kaso ang Korte Suprema.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -