Sunday, May 5, 2024

Gilas Coach Tim Cone idinipensa ang pagkuha ng players sa Ginebra para mapabilang sa 2019 Southeast Asian Games

- Advertisement -

Idinipensa ni Gilas Pilipinas Head Coach Tim Cone ang pagkuha sa anim na players ng Barangay Ginebra para mapabilang sa 15 man pool ng national team para sa 2019 Southeast Asian Games.

Ayon kay Cone familiarity ang magiging sandalan nila lalo’t maikling panahon na lamang ang nakalaan para sa paghahand ang team kaya’t isinama niya sa Gilas pool ang ilang players mula sa kanyang team na Ginkings na sina L.A Tenorio, Scottie Thompson, Stanley Pringle, Japeth Aguilar, Greg Slaughter at Art Dela Cruz.

Sinabi rin ni Cone na puro beterano ang kanilang kinuha para mas mabilis matuto sa maikling panahon kaya’t hindi nakasama sina Rookie Guards Robert Bolick at CJ Perez bagama’t kapwa nagpabilib ang mga ito sa kanilang performance sa 2019 FIBA World Cup.

Bahagi rin ng Gilas pool sina Jayson Castro, RR Pogoy at Troy Rosario ng TNT, June Mar Fajardo, Christian Standhardinger, Chris Ross at Marcio Lassiter ng San Miguel, Matthew Wright ng Phoenix at Vic Manuel ng Alaska.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img