29.7 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Magnitude 6.5 na lindol tumama sa Indonesia, 20 katao nasawi

- Advertisement -

Tinatayang 20 katao ang nasawi sa lindol na yumanig sa Maluku Islands sa Indonesia.

Takot na takot na nagtakbuhan ang mga residente habang gumuguho ang mga gusali sa magnitude 6.5 na lindol na tumama sa lugar.

Ayon kay National Disaster Mitigation Spokesman Agus Wibowo halos 100 katao ang sugatan at mahigit 2,000 ang in-evacuate nila.

Kabilang sa mga nasawi ang isang sanggol, isang inatake sa puso sa kasagsagan ng pagyanig at isang babae na nahulog sa kaniyang motorbike dahil sa pagmamadaling makapunta sa mas mataas na lugar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -