Monday, May 6, 2024

DFA sinigurong bibigyan ng ayuda ang mga tripulanteng Pilipino ng oil tanker

- Advertisement -

Siniguro ng Department of Foreign Affairs (DFA) na bibigyan nito ng ayuda ang mga tripulanteng Pilipino ng oil tanker na kinumpiska ng Iranian authorities.

Una nang iniulat ni Philippine Ambassador to Iran Wilfredo Santos sa DFA na hinuli ang naturang tanker dahil sa ‘di umano’y fuel smuggling.

Ayon sa DFA, nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang coast guard authorities at kapag ito ay natapos ay posibleng dinggin na ang kaukulang kaso sa korte.

Nakaantabay anila ang embahada ng bansa sa Iran para sa anomang update sa kondisyon ng mga Pilipino at handang magbigay ng ayuda kung kinakailangan.

Sa ulat, aabot sa 12 Pilipino ang kabilang sa mga tripulante ng oil tanker na nakumpiska sa Persian Gulf.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img