Isang miyembro ng NPA arestado sa Pasig City

0
20

Arestado ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) na may 100,000 patong sa ulo sa Pasig City.

Ayon kay Eastern Police District, naaresto si Joselito Naag, 45 anyos residente ng Daraga, Albay matapos ang ilang buwang surveillance sa kanyang tinutuluyan sa Santolan, Pasig.

Miyembro si Naag ng Kilusang Larangang Guerilla (KLG) 78 at number 30 most wanted person sa Bicol Region.

Inaayos na ang documentation kay Naag para sa gagawing pagbabalik sa kanya sa Albay.