Monday, June 24, 2024

Davao: Sundalo Nag-Amok, Pinatay 1 Opisyal, 1 Sarhento

- Advertisement -

Tagum City – Dead on-arrival sa pagamutan ang isang major at isang technical sergeant, at isa pa’ng major ang patuloy na ginagamot ngayon nang sila ay pinagbabaril sa kanilang kasamahan dakong alas 6:30 ng umaga, Martes, Nobyembre 2 sa loob ng kanilang kampo sa CMO Battalion, sa San Agustin, Tagum City.

Kinilala ang namatay na sina Major Franklyn Embat at TSgt. Sandato Toma. Isa pang biktima na si Major Mineheart Maliawao ang nasa mabuting kalagayan na ngayon sa loob ng pagamutan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Tagum City Police Station na pinangunahan ng hepe na si PLTC Ruth B. Dizon, napag-alaman na nasa Kiosk sa loob ng kampo ang dalawang opisyal na sina Major Embat at Major Maliawao kasama si TSgt. Toma.

Ayon kay SSgt. Manuel M. Quevedo, na nakasaksi sa pangyayari na naghahanda na sila para sa formation nang kanyang narinig na tinawag ni TSgt. Toma ang isang TSgt. Ruz. Ngunit ang suspek na si SSgt. Arvin D. Bureros, na armado ng R4 rifle, na sana sasali sa formation, nagtungo sa Kiosk kung saan nagsalita ito na: “Tapusin na natin ito para matapos na.” At bigla na lamang nagpaputok sa direksyon ng mga biktima.

Visit RPN DXKT Davao

Sa pagresponde ng pulisya, dinala na ang mga biktima sa hospital ngunit dead-on-arrival na si Maj. Embat at TSgt. Toma, samantala si Maj. Maliawao ay agad namang ginamot ng mga doctor.

Agad naman na umiskapo ang suspek ngunit nadakip pa rin ito at ti-turn-over ni Sa Agustin Brgy. Capt. Genelio L. Arsenio sa pulisya at agad na pinasok sa kulongan. Nakuha mula sa suspek ang isang Gloc 17 na armas na may serial number AFP 00240.

Ang SOCO, sa pamumuno ni PEMS Arturo L. Salvado Jr., nakarekober sa lugar ng krimen ng isang empty shell ng 5.56 rifle magazine at 20 na basyo ng bala na pinaghihinalaang mula sa kalibre 5.56 na armas.

Ayon pa kay LLTC Ruth B. Dizon, hepe ng Tagum City Police, suportado nito ang hanay ng militar sa imbestigasyon at sa pagsasampa ng kaso para makamit ang hustisya sa mga biktima.

(Source: Domsy Ramos of Pahayagan Mindanaw)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -