Sunday, May 5, 2024

Bilang ng mga pasaherong stranded sa mga pantalan dahil sa bagyong Falcon nabawasan na – PCG

- Advertisement -

Nabawasan na ang bilang ng mga pasaherong stranded sa iba’t-ibang pantalan sa bansa dahil sa masamang panahon na dulot ng bagyong Falcon.

Batay sa tala ng Philippine Coast Guard (PCG), halos 100 pasahero na lamang na stranded sa mga pantalan sa Bicol at Visayas.

Habang ilang mga pasahero pa naman mula sa Pasacao Port sa Camarines Sur at RJL Port sa Antique, ang hindi pa rin maaring makabiyahe.

Una rito, matatandaang umabot sa mahigit 600 pasahero ang na-stranded sa mga pantalan dahil sa masamang panahon na idinulot ng bagyo.

Samantala, nasa 21 barko pa naman ang nananatili sa mga pantalan sa Central at Western Visayas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img