Posibilidad ng pagkakaroon ng kudeta sa 18th congress pinabulaanan

0
46

Pinabulaanan ni Albay Rep. Joey Salceda ang posibilidad ng pagkakaroon ng kudeta sa pagbubukas ng 18th congress sa Lunes, Hulyo 22.

Ayon kay Salceda, nakikita niya na hindi magtatagumpay ang anumang banta ng kudeta sa speakership sa Kamara.

Anya, nagbigay na ng suhestiyon si Pangulong Rodrigo Duterte kaya’t inaasahan niya na ito ang susundin ng mga kongresista.

Kaugnay nito, sinabi rin naman ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor na inirerespeto ng mga kongresista ang ginawang pag-endorso ng pangulo sa term sharing nina Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang House Speaker.

Matatandaang, inihayag ni presidential son at Davao City Rep. Paolo Duterte na mayroong isang speaker aspirant ang posibleng magpasimuno ng kudeta laban sa mauupong lider ng Kamara.