33.2 C
Manila
Friday, April 26, 2024

PNP kinumpirmang isa sa mga pulis na nagkasa ng buy bust ops ang nakapatay sa bata sa Rizal

- Advertisement -

Kinumpirma na ng Philippine National Police na isa sa mga pulis na nagkasa ng buy bust operation ang nakapatay sa tatlong taong gulang na si Myka Ulpina.

Kinilala ni Calabarzon Regional Police Director Brig. Gen. Edward Carranza ang pulis na nakapatay umano kay Ulpina bilang si Police Senior Master Sergeant Conrado Cabigao Jr.

Ito anya ay batay sa mga naging pahayag ng iba pang pulis at testigo, gayundin sa ginawang reenactment ng operasyon kung saan target ang ama ng bata na si Renato Ulpina.

Habang ibinunyag rin naman ni Carranza na ang mga tama ng baril sa braso at paa ng bata ay kagagawan ng isa pang pulis na si Police Corporal Mark Olaño.

Anya, ang sukat ng gunshot wounds na tinamo ng bata ay akma sa mga bala mula sa 9mm na ginamit nina Cabigao at Olaño.

Una rito, sinibak ni Carranza ang hepe ng Rodriguez Police na si Lt. Col. Resty Damaso at direktor ng Rizal Provincial Police na si Col. Lou Evangelista dahil sa pagkukulang sa operasyon.

Sa ngayon, sinabi naman ni Carranza na pinag-aaralan pa rin nila ang magiging aksyon laban sa dalawang pulis na responsable sa pagkamatay ni bata.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -