Monday, May 6, 2024

Aabot sa 10-M Pinoy ang mawawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 — DOLE

- Advertisement -

Nasa lima hanggang 10-M Pilipino ang maaaring mawalan ng trabaho sa bansa dahil sa pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ay batay sa pagtaya ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nasa 2.6 na milyong manggagawa na ang pansamantalang tigil sa pagtrabaho dahil sa pansamantalang pagsasara ng mga establisyimento.

Aniya, karamihan sa mga mawawalan ng trabaho ay nasa service sector, turismo, negosyo gaya ng restaurants at sa sektor ng transportasyon.

Dahil dito, nagpaplano na ang DOLE na palawakin pa ang tulong pang hanap buhay sa ating disadvantage/displaced workers program upang mas marami pa ang maabutan ng tulong sa mga nawalan ng trabaho.

Humihingi narin aniya ang DOLE ng P40-B pondo sa kongreso upang mapondohan ang recovery program ng departamento.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img