Ekonomiya masisira kung magdedeklara ng panibagong lockdown — Presidential Adviser for Entrepreneurship

0
16

Nagbabala si Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion, na maaaring masira ang buong ekonomiya ng bansa kapag nagkaroon muli ng panibagong lockdown.

Ayon kay Concepcion, hindi na kakayanin ng ekonomiya ang panibagong lockdwon dahil mawawalan na ang lahat ng trabaho at masisira ang stimulus package kapag nagbigay pa ng panibagong social amelioration program (SAP) ang gobyerno.

Samantala, ang ginawang pahayag ni Concepcion ay kasunod ng pagtatanggol sa ginagawang rapid tests ng pribadong sektor na ayon sa ilang medical organizations ay hindi umano reliable at masasayang lang umano ang gastos ng mga pribado at pampublikong kumpanya.

Iginiit naman ni Concepcion na mas mabuti parin na magsagawa ng rapid testing kaysa walang gawin.