Monday, May 6, 2024

10 tiwaling opisyal ng PCSO handang pangalanan ni Duterte

- Advertisement -

Handa umano si pangulong Rodrigo Duterte na pangalanan ang nasa sampung (10) opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), na umano’y sangkot sa katiwalian.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi na nagbigay pa ang pangulo ng karagdagang detalye ukol dito kaya’t mas mabuti aniyang hintayin na lang ang anunsyo nito.

Dahil dito, hindi pa tiyak kung sasailalim ba sa preventive suspension ang mga masasangkot na opisyal.

Magugunitang, ipinatigil ng pangulo ang lahat ng gaming operations ng PCSO dahil sa umano’y kurapsyon sa ahensya. Ngunit kamakailan ay pinayagan na rin ang pagbabalik ng operasyon ng lotto.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img