36 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

PAO kumbinsidong ‘misquoted’ lang si Panelo sa kanyang pahayag hinggil sa dengvaxia

- Advertisement -

Kumbinsido si Atty. Percida Acosta ng Public Attorney’s Office (PAO) na misquoted lamang si Presidential Spokesman Salvador Panelo nang sabihing pinag-iisipan nilang ibalik sa merkado ang dengvaxia.

Aminado si Acosta na hindi pa nya nakakausap si Panelo subalit malinaw naman anya sa nabasa nyang balita na ang sinabi nya ay pag-aaralan ang kahit ano basta para sa kabutihan ng nakararami.

Ayon kay Acosta, hindi credible ang pinagmulan ng rekomendasyon para ibalik ang dengvaxia dahil isa ito sa mga akusado sa napakaraming kaso ng pagkamatay na konektado sa dengvaxia.

Tinukoy ni Acosta si congresswoman at dating health secretary Janet Garin.

Sinabi ni Acosta na posibleng bahagi ng legal strategy ni Garin na maisulong ang pagbabalik ng dengvaxia upang malusutan ang kanyang mga kaso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -