AFP hindi inirekomenda ang martial law sa Negros Oriental kay Duterte — AFP Spox

0
51

Nilinaw ng militar na hindi nila inirekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa martial law ang Negros Oriental.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo, sapat na ang pwersa ng militar sa Negros Oriental kaya’t walang dahilan para dagdagan pa ito.

Magugunitang napaulat ang serye ng patayan sa lalawigan kung saan hindi bababa sa dalawampu ang napatay.