Monday, May 6, 2024

Umano’y dinukot na mga bata na kumakalat sa social media hindi pa verified — Banac

- Advertisement -

Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na huwag basta-basta maniwala sa mga kumakalat na balita sa social media hinggil sa mga ‘di umano’y dinukot na mga bata.

Ayon kay PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, walang basehan at hindi pa beripikado ang mga ulat na kumakalat sa social media.

Gayunman, pinaalalahanan naman ni Banac ang publiko na agad na ipag-bigay alam sa pulisya ang anumang insidente ng hininalang kidnapping para agad itong maimbestigahan ng mga otoridad.

Aniya, dapat kasing maging maingat ang publiko sa pagpapakalat ng mga impormasyon o anumang balita lalo na’t kung maari itong magdulot ng takot sa mga mamamayan.

Matatandaang, ipinag-utos na ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang imbestigasyon hinggil sa pagkawala ng siyam na bata sa lungsod na may edad mula 15 hanggang 22 anyos.

Samantala, sinabi naman ni Banac na isolated incident lamang ang naturang pangyayari at wala itong banta sa sitwasyon ng seguridad sa Metro Manila at sa buong bansa. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img