Duterte wala pang napipiling bagong Philippine Army Chief

0
23

Wala pang napipiling susunod na pinuno ng Philippine Army si Pangulong Rodrigo Duterte, kapalit ni Lt. General Macairog Alberto na nakatakda nang magretiro sa Biyernes, Disyembre 6.

Ayon kay AFP Spokesperson Marine Brig. General Edgard Arevalo, wala pa silang natatanggap na anunsiyo mula kay Pangulong Duterte hinggil sa napili nitong susunod na commanding chief ng Philippine Army.

Gayunman, sinabi ni Arevalo na naisumite na nila sa Pangulo ang shortlist ng mga maaari nitong pagpilian sa pamamagitan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Sinabi ni Arevalo, kabilang sa shorlist ang tatlong 3-star generals at dalawang 2-star generals na kapwa aniya nagtataglay ng katapatan, kakayahan, karanasan at kaalaman partikular sa pamumuno ng mga miyembro ng Philippine Army.