Friday, May 17, 2024

Storm signal nakataas na sa 31 lugar dahil sa bagyong Rosita

- Advertisement -

Humina pa ang bagyong Rosita habang patuloy na nagbabanta at papalapit sa Isabela-Aurora area.

Sa huling tala ng PAGASA, namataan ang mata ng bagyo sa layong 540 kilometro Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 170 km/h malapit sa gitna at pagbugsong papalo sa 210 km/h.

Kimikilos ang bagyo pa-kanluran timog kanluran sa bilis na 15 km/h.

Nakataas na ang tropical cyclone warning signal #2 sa Cagayan, Isabela, Aurora, Quirino at Polillo Island.

Signal number 1 naman sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Batanes, Babuyan Group of Islands, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Northern Quezon, Rizal, Bulacan, Metro Manila, Laguna, Batangas, Bataan, Zambales, Cavite at Camarines Norte.

Inaasahang makakaranas ng katamtaman hanggang sa masungit na panahon ang mga nabanggit na lugar.

Pinag-iingat din ang mga residente na nasa bulubundukin at mabababang lugar laban sa posibleng landslides at flashfloods.

Ayon sa PAGASA posible ang storm surge o daluyong sa coastal areas ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Cagayan, Isabela, at Aurora.

Inaasahang tatama sa lupa ang bagyo sa Isabela-Aurora area, bukas ng umaga.

Sa Huwebes pa lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -