Baguio: Isang dalaga na taga Surigao Del Norte ang magtatapos sa Philippine Military Academy bilang Magna Cum Laude at humakot pa ng parangal

0
10

Baguio City – Ang 24-taong gulang na kadete mula sa Surigao City, Surigao del Norte ay ang pinakamataas na magtatapos na kadete ng Bagong Sinag Class ng the Philippine Military Academy (PMA) sa Sabado, Mayo a 18, 2024.

Ang ating tinutukoy ay ang Cadet First Class Jeneth B. Elumba na magtatapos bilang magna cum laude at tatanggap ng Presidential Saber mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. maliban sa nasabing parangal, siya rin ay tatanggap ng Philippine Army Saber, JUSMAG Saber, Australian Defense Best Overall Performance Award (ARMY), Tactics Group Award at Army Professional Plaque.

Si Cadet first class Mark Armuel U. Boiles, may 21 taong gulang na taga Novaliches, Quezon City ay magtatapos bilang class salutatorian.

Siya ay tatanggap ng Vice-Presidential Saber mula kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio, maliban dyan, tatanggap din siya ng mga sumusunod: ang Philippine Air Force Saber, Academic Group Award, Management Plaque, Air Force Professional Courses Plaque, Gen. Antonio Luna Award, at ang Australian Defense Best Overall Performance Award (Air Force).

Ang ikatlo ay si cadet first class Kim Harold L. Gilo, 22 taong gulang, magna cum laude at tubo ng Villa Kananga, Butuan City. Siya tatanggap ng Secretary of National Defense Secretary Saber, Philippine Navy Saber, Australian Defense Best Overall Performance Award (Navy) at Natural Sciences Plaque. Habang si Cadet First Class Cyril Joy J. Masculino, 22 taong gulang, na taga Nabua, Camarines Sur ay ang ika-apat at magtatapos bilang isang magna cum laude.

Sa kabilang dako, si Cadet First Class Rosemel B. Dogello, na isang 21 taong gulang, ay magtatapos bilang isang cum laude. Siya ay nagmula sa Jamindan, Capiz. Siya ay nasa ikalima sa mga magtatapos sa darating na linggo. Ang pag anim ay si Cadet First Class Alexa Mye P. Valen, isang taong gulang na taga Kapatagan, Lanao del Norte habang ang pang pito ay si Cadet First Class Floyd Nino Arthur G. Roxas, isang 23 taong gulang na taga Leganes, Iloilo. Siya ay tatanggap ng Information Technology Plaque, Department of Leadership Plaque at Association of Generals and Flag Officers (AGFO) Award. Ang pang walo ay si Cadet First Class Giselle G. Tong, 22 taong gulang ng Tuguegarao City, Cagayan. Siya ay tatanggap ng Mathematics Plaque.

Si Cadet first class Danica Marie D. Viray, 23 taong gulang na taga Villamor Air Base, Pasay City ay nasa ika siyam sa hanay ng mga magtatapos itong parating na linggo. Siya nga pala ay magtatapos bilang isang cum laude. At ang pangsampu ay ang si Cadet First Class Neriva C. Binag, 22 taong gulang ng Ilagan, Isabela.

May 278 kadate ang bumubuo ng 2024 Bagong Sinag Class na kung saan ang 224 ay mga kalalakihan at 54 ay mga kababaihan. May 144 kadate ang papasok sa Philippine Army, habang 72 Kadate ang papasok sa Philippine Navy at 62 Kadate ang itatalaga sa Philippine Air Force.

Sa 114 kadate na papasok sa Philippine Army, 115 ang mga kalalakihan habang 29 ang mga kababaihan. Habang sa Philippine Navy, 59 ang mga kalalakihan at 15 ay pawang mga kababaihan. Mayroon din 50 kalalakihan at 12 ang kababaihan na maglilingkod sa Philippine Air Force.

Binigyang diin ni Philippine Military Academy Superintendent LtGen. Rowen Tolentino ang mga top-performing cadets na pinaharap sa mga taga mamamahayag noong nakaraang Biernes ay isang patunay na ang akademiya ay tumutupad sa pangako nito na makakabuo ng mga natatanging pinuno ng bansa. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)

(Source: PIA Cordillera)

Leave a Reply