Saturday, May 18, 2024

Mga Pinoy ligtas sa synagogue attack sa Amerika—DFA

- Advertisement -

Walang Pilipino na nasugatan sa panibagong mass shooting incident sa Estados Unidos na ikinasawi ng labing-isa (11) katao.

Ito ang tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos ang insidente ng pamamaril sa isang sinagoga sa Tree of Life Congregation Synagogue sa Pittsburgh, Pennsylvania.

Nagpaabot naman ng pakikiramay at simpatya ang DFA sa pamilya ng labing-isang pinaslang na biktima.

Batay sa datos ng kagawaran, nasa apatnalibo (4,000) ang Pinoy sa Pittsburgh at buong Western Pennsylvania.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -