Sunday, May 5, 2024

Senado ipinatatawag ang PCGG kaugnay sa mga kasong sibil na isinampa vs. pamilya Marcos

- Advertisement -

Ipinatatawag na ng Senado ang Philippine Commission on Good Government (PCGG) matapos ang sunod-sunod na pagkatalo ng pamahalaan  sa mga kasong sibil na isinampa laban sa pamilya Marcos.

Kaugnay ito ng ikakasang pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights matapos na ibasura ng Sandiganbayan ang 200 billion pesos na forefeiture case laban sa pamilya Marcos dahil sa umano’y ill-gotten wealth o nakaw na yaman ng pamilya.

Ayon kay Senator Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, kailangang magpaliwanag ng PCGG dahil mistulang hindi pursigido ang mga ito sa pagbawi sa Marcos wealth.

Aniya, nais niyang matukoy ano ang mali at ano pa ang dapat gawi para lamang manalo ang gobyerno laban sa mga nasabing kasong sibil.

Ang nasabing forfeiture case na isinampa ng Office of the Solicitor General noong 1987 ay naglalayong marekober ang umano’y nakaw na yaman ng Marcoses na nakuha nila habang nasa puwesto pa si dating pang. Ferdinand Marcos sa pamamagitan ng mga pondo at iba pang ari-arian.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img