Presyo ng itlog tumaas ilang araw bago ang pasko

0
23

Nagsimula nang tumaas ang presyo ng itlog at asukal sa ilang palengke ilang araw bago ang kapaskuhan.

Nadagdagan ng halos dalawang piso ang presyo ng itlog sa Kamuning Market, kung saan ang dating anim na pisong itlog ay P7.25 na habang ang P6.50 halaga ng itlog ay naging P7.50 na.

Samantala, tumaas rin ng dalawang piso ang presyo ng asukal na ngayo’y nasa 50 piso na ang halaga ang kada kilo ng puting asukal habang 44 piso naman ang kada kilo ng segunda.

Paglilinaw ng mga nagtitinda, ang pagtaas presyo sa itlog at asukal ay bunsod ng mataas na demand, limitadong suplay, gayundin ang pag iwas ng mga mamimili sa mga baboy na kontaminado ng ASF at mahal na presyo ng galunggong.