Monday, May 6, 2024

Red Cross tutulong din sa mga naapektuhan ng M6.6 na lindol sa Mindanao

- Advertisement -

Kaagad na pinakilos ni Senador Richard Gordon ang Philippine Red Cross (PRC) sa Mindanao na tulungan ang mga naapektuhan ng nangyaring panibagong malakas na lindol sa naturang lugar.

Ayon kay Gordon, nagpadala na ng ambulansya, rescue teams at emergency personnel ang PRC chapters ng South Cotabato, Cotabato City, Maguindanao, Sultan Kudarat, North Cotabato, Davao Del Sur, General Santos at maging ang Davao City.

Tumulong din ang PRC sa evacuation ng mga pamilya sa Cotabato City at pag-aayos ng mobile first aid at welfare desk sa North Cotabato at Sultan Kudarat.

Dagdag pa rito, handa rin magpadala ang senador ng mga field medical tents na may generators sa mga lugar na wala pa ring mga kuryente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img