Sunday, May 5, 2024

PHIVOLCS bukas sa planong imbestigasyon ng Kamara

- Advertisement -

Bukas ang PHIVOLCS sa planong imbestigasyon ng Kamara kaugnay sa umano’y kakulangan ng kanilang daily advisories mula pa noong Marso, taong 2019, tungkol sa lagay ng Bulkang Taal.

Ito ay matapos na pinaiimbestigahan ni Cavite 4th District Representative Elpidio Barzaga Jr. ang umano’y hindi pagbatid sa publiko ng napipintong pagsabog ng Bulkang Taal.

Ayon kay PHIVOLCS Dir. Renato Solidum, ang katotohanan dito ay matagal na silang may koordinasyon sa probinsya ng Batangas kaugnay sa pagiging handa sa pagsabog ng Bulkang Taal.

Aniya, kaya na-evacuate kaagad ang mga tao sa isla ay marahil nakatutok ang mga ito sa mga impormasyon na ibinibigay ng DOST-PHIVOLCS at mga nakadestino sa bulkan.

Samantala, nananatili ang Taal sa pangalawang lebel na pinaka-delikado kung saan ay anumang oras o araw ay maaari ulit itong sumabog.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img