Monday, May 6, 2024

Pangulong Duterte seryoso sa alok kay VP Robredo na maging anti-illegal drug czar — Malakanyang

- Advertisement -

Nanindigan ang Palasyo ng Malacañang na seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte sa alok nito kay Vice President Leni Robredo na maging anti-illegal drug czar.

Ito ay kaugnay ng hamon ng pangulo kay Vice President Leni Robredo na lutasin ang problrema sa iligal na droga sa loob ng anim na buwan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, bagaman wala pang pormal na sulat na ipinapadala ang pangulo sa tanggapan ng bise presidente, ay nanindigan ito na totoo at walang atrasan ang alok ng pangulo.

“Kung ako ang bise presidente, tinanggap ko agad yun. ‘Call! O sige! Give me the commission. Give me the staff. Give me the resources and I’ll do what I think should be done’. Ganun lang ka simple yon. Pero kung hindi mo kaya, eh marami ka tsetsebureche. Wala pa yung ganito. Wala pa yung ganyan. Antayin ko yung ganito….either you have it or you don’t. Eh kung di siya (Leni Robredo) interesado bakit pa itutuloy ng presidente?” ani Panelo.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Panelo na wala namang inaasahan ang pangulo mula kay Robredo bukod sa mawakasan nito ang transaksyon ng iligal na droga sa bansa.

We don’t expect anything from her unless you say so,” ani Panelo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img