Si Pangulong Duterte lang ang may kontrol sa war on drugs — Sen. Ronald Dela Rosa

0
14

Tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang maaring mamuno ng kampanya kontra iligal na droga.

Ito ang binigyang diin nina Senator Panfilo Lacson at Ronald Dela Rosa kaugnay sa naging pahayag ng pangulo na binibigyan niya ng kapangyarihan si Vice President Leni Robredo upang pamunuan ang giyera kontra iligal na droga.

Ayon kay Dela Rosa, si Pangulong Duterte lamang ang may kontrol laban sa kampanyang ito.

Aniya, dapat lamang na mas maging mahigpit ang pangulo upang ipakita nito sa sindikato ng iligal na droga na seryoso ang pamahalaan na masugpo ito.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Lacson na marapat lamang na ipakita ng pangulo na may pangil ang war on drugs.