Sunday, May 5, 2024

Mga nasa likod ng ‘pastillas’ scheme tiniyak na mapapanagot

- Advertisement -

Tiniyak ni Immigration commissioner Jaime Morente na kanyang huhubaran ng maskara ang mga grupo at indibiduwal na nasa likod ng ‘pastillas’ scheme sa ahensiya.

Ito ang inihayag ni Morente matapos magpasaklolo sa Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) sa kontribersiya.

Ayon kay Morente, hindi lamang niya nais matukoy ang mga opisyal at kawani ng Bureau of Immigration (BI) na umano’y sangkot sa ‘pastillas’ scheme kundi maging ang mga organisasyon at indibiduwal na nagbibigay ng suhol.

Iginiit ni Morente, kahit pa ilang beses na sibakin sa puwesto ang mga empleyado ng BI kung magpapatuloy pa rin anito ang mga organisasyong iligal na nagrerecruit ng mga dayuhan ay hindi pa rin matitigil ang anomalya.

Una nang sinabi ng Malakanyang na maging si Morente ay hindi pa rin lusot sa iskandalo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img